Lunes, Marso 3, 2014

MANGGAGAWA



MANGGAGAWA
Ni: Jose Corazon De Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan.....
Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.


Ang tulang “Manggagawa” ay aking susuriin batay sa teoryang Humanismo. Ayon kay Ili (2011), ang teoryang Humanismo ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.

Ang buong tula ay nagpapahiwatig ng kagalingan ng isang manggagawa. Sa unang saknong ipinakikita ang kagalingan nila sa pagpapanday. Ipinapahayag nito ang mahirap na prosesong kinakaharap ng mangagawa upang makalikha ng bagong kagamitan. Gayunpaman sila ay  dakila dahil dahil bawat patak ng pawis nila ay may katumbas na bagay na mapapakinabangan ng bawat mamamayan.

Sa ikalawang saknong mahihinuha ang talento ng manggagawa. Katulad ng unang saknong, ipinamamalis nito na ang lahat ng bagay na yari ng kaniyang mga kamay at kanyang ginagawa ay may umuusbong na mga bagay na nakakatulong sa lipunan ngayon katulad ng katedral, batingaw at salapi. Ang manggagawa din ang nagpormula sa konsepto ng pamumuhunan na siyang nakapagpabago sa takbo ng buhay sa kasalukuyan.

Sa ikatlong saknong ay lalong tumundi ang pagtataas sa manggagawa. Bawat bagay na nagaganap katulad ng ilaw na kumisap, gusaling naangat ay iniuugnay sa kanya. Ito ay tanda na lahat ng bagay na tinatamasa natin ngayon ay dumaan sa mangagawa. At mula pagkasilang hanggang kamatayan gawa pa rin ng manggagawa ang itinatanghal.

Ang ika-apat at huling saknong ay tumatalakay na marapat lamang natin purihin at kilalanin ang mga manggagawa. Sapagkat lahat ng bagay mapa-maliit man o malaki ay masikap nilang ginagawa kahit ito ay mahirap. Buong puso at lakas nilang binibigay ang kanilang pinakamainam upang maghatid kasiyahan sa atin. Kaya’t kung mawawala ang manggagawa ay hihinto sa pag-ikot ang mundo sapgkat sila ang kadahilan kung bakit ito patuloy na umuusad. Kaya marapat lamang na purihin at dakilain sila.

Sources:

De Jesus, Jose Corazon.Manggagawa. Retrieved on March 4, 2014 from http://mgatulangmanggagawa.blogspot.com/2011/03/manggagawa-ni-jose-corazon-de-jesus.html

Teoryang Humanismo. Retrieved on March 4, 2014 from http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

YES! : INTRAMUROS ESCAPADE



Trapped in a place surrounded by walls? Seems scary right? But the walled city in Manila would surely flip your terrifying feeling upside down..

Welcome to Intramuros!


It is a stronghold relic of Philippine history. Beneath its walls are the classic architectural design of buildings, churches and houses which have been preserved.


Actually, it is my first time to visit this place.  That is why I seized the opportunity of making memories and taking pictures in this place.

  




I am amazed because in every street that we’ve passed through, there are vestiges of the Spanish era. 

These are the photos of some places you could visit inside the walled city:

  





In my Intramuros escapade, I learned many things that I definitely want to share with you!

First, travel on foot. Feel every floor bricks. Don’t be lazy! It gives you an authentic feeling of traveling. 

Second, bring an umbrella. Because of the diverse weather condition it is important to have this as your buddy.


Lastly, travel with friends! They will make your journey extraordinary.

Photos by: Kirsten Portugueza


And now after a blissful journey, it’s time to indulge yourself with delicious food.


Fresh Vegetable roll

Interested on how it is done? Here’s how:

 INGREDIENTS:
1/2 lb pork, thin strips
1/2 cup singkamas, strips
1/2 cup carrots, julienned
4 gloves garlic, crushed
1 medium onion, sliced
salt to taste
cooking oil
lettuce leaves
1/2 cup ground or crushed peanuts for garnishing
wrapper


LUMPIANG SARIWA FILLING:

  • Saute garlic and onion.
  • Add the pork strips. Cook until color turns light brown.
  • Add seasonings and singkamas. Cook until tender.
  • Addcarrots. Cook for 3-5 minutes. 
  • Add salt to taste. Cook for 3 minutes.  
  • Remove from heat. Cool down before wrapping

LUMPIANG SARIWA SAUCE:
  • In a saucepan, bring the water to a boil. 
  • Add pork cube, brown sugar, soy sauce and a dash of salt.
  • Add the diluted cornstarch. 
  • Cook until the sauce becomes thick.
Assemble the ingredients, then that's it. You can have your own homemade Lumpiang Sariwa!


It had been a wonderful journey. If you would ask me if Intramuros is worth visiting the second time around.. My answer is a BIG YES!