![]() |
Bitbit ang sakong puno ng bote ng plastik, tinahak nang isang Lola ang kahabaan ng Pureza St. para ipagpalit ang mga ito sa kaunting barya. |
Miyerkules, Enero 29, 2014
PASALUBONG NI LOLA
Miyerkules, Enero 22, 2014
NOW SHOWING.....
Mahilig ka ba manuod ng mga pelikula o teleserye? Ito, ire-rekomenda ko sa 'yo..
![]() |
Retrieved from: http://au.ibtimes.com/articles/501850/20130828/conjuring-husband-s-lover-viral-memes-philippine.htm
Isang yugto na naman ng drama higgil sa Pork Barrel o PDAF Scam ang naganap sa senado dahil sa privelege speech ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. Pero ang inaasahang pagsasalita nito tungkol sa isyu ay hindi masyado nabigyang pansin. Pa'no ba naman, ang "script" na kanyang inihanda ay tungkol sa impeachment case ni dating Chief Justice Renato Corona. Ayon sa kanya, kinausap at hinikayat daw siya ni Pangulong Benigno Aquino III na bumotong pabor sa pagpapatalsik kay Corona.
Sa totoo lamang, nagsasawa na ako sa dramang ito. Noong una, nang magsalita si Senator Jinggoy Ejercito Estrada ay ganito rin ang nangyari. Tila, iba din ang hawak n'yang"script" dahil imbes na tungkol sa pork barrel ang kanyang talakayin tungkol sa impeachment din ni Corona ang dayalogo. Malinaw lamang nitong ipinapakita na ang mga aktor na ito ay handang ilihis ang usapin makalusot lamang sa isyu. At sa kanilang pagtuturuan at paglalabasan ng baho, isa lang ang "moral lesson" ng dramang ito... halos lahat ng opisyal sa pamahalaan ay tiwali at walang malasakit sa bayan.
Para sa mga Juan Dela Cruz katulad ko na sumusubaybay sa dramang ito, manalig na lamang tayo na may kahihinatnan at makakamit ng bawat Pilipino ang hustisya higgil sa usapin nang Pork Barrel.
P.S. Kung nagtataka ka kung anong "theme song" nito, ito ohh.. :D
Resouces:
The Corrupting. [Photo] Retrieved January 22, 2014 from http://au.ibtimes.com/articles/501850/20130828/conjuring-husband-s-lover-viral-memes-philippine.htm
My Pork Lovers. [Retrieved January 22, 2014] from http://au.ibtimes.com/articles/501850/20130828/conjuring-husband-s-lover-viral-memes-philippine.htm
Martes, Enero 7, 2014
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)