Isang tipikal na uri ng bilangguan ang aking isinalarawan. Siguro’y natatawa ka. Kahit batang paslit ay kaya itong hulaan. Madalas natin itong makita sa mga drama sa telebisyon at pelikula. Maglakad ka lang sa may kanto ay makakatagpo ka nang bilangguan. Pero paano kung iba ang makita mo?
Isang pabilog na istraktura kung saan naglalagi ang mga bilanggo. Sa gitna ay makasusumpong ka nang isang tore, kung saan nagbabantay ang mga gwardiya nang hindi nakikita ng mga nakakulong (Bordoni, 2013). Katulad ng larawang ito:
Kung ikaw ang bilanggo, siguradong nanginginig ka na sa takot at hindi na magtatangkang tumakas pa.
Ang istukturang ito ay halaw sa teorya ng pagmamatyag ni Jeremy Bentham na mas kilala bilang PANOPTICON. Ito ay nangangahulugang “lahat ay nakikita”. Ang layunin nito ay regulahan nang mga bilanggo ang mismong aksyon at sarili dahil maalam sila na may nakatingin at nagbabantay sa kanila (Ross,2009).
Ang panopticon ay hindi naitayo, ngunit muling binuhay ni Michael Foucault ang ideyang ito. Hindi bilang aktwal na bilangguan kundi birtwal na Panopticon.
Bahagi nang pang araw-araw nating pamumuhay ang social media. Isang itong epektibo at mabilis na paraan ng pakikipagtalastasan. Dito rin tayo nagpapahayag ng ating damdamin at saloobin. Kung iisipin, ito na ang pinakamalayang lugar. Madali mong napapahayag ang iyong sarili sa maraming tao sa pamamagitan lang ng isang pindot sa kompyuter.
Ngunit ayon kay Michael Foucalt, ang Social media ay ang birtwal na panopticon. Tulad nang istrukturang bilog na binuo ni James Bentham, nakikita natin ang lahat ng bagay na narito. At lahat ng impormasyon na ating inilalagay dito ay nalalaman ng mga namamahala nito. Ang lubos na nakababahala, hindi natin sila nakikita at hindi natin alam kung ano ang ginagawa nila sa mga impormasyong nilagay natin. Binibigyan nila tayo ng impresyong tayo ay malaya, ngunit isa lamang itong bitag upang isiwalat natin ang mga personal na bagay hinggil sa atin.
Isang maganda ngunit nakakatakot itong teorya sapagkat hindi mo alam kung ito ay mabuti o masama. Para itong Diyos na nakikita ang lahat ng bagay ngunit sa kabilang panig ay isang ring demonyo, na handa tayong saksakin sa pamamagitan ng impormasyong nalalaman nito tungkol sa atin.
Para sa akin, ang Panopticon ay hindi lamang isang simpleng teorya sapagkat ito ay isang realidad na nagaganap ngayon. Isang katunayan nang pag-iral nito ay ang napabalitang pag-espiya ng National Security Agency o NSA, sa mga kalaban nitong bansa sa pamamagitan ng malawakang pagmamanman sa social media(CBS News, 2013).
Sa huli, ang kalayaang ipinadadama sa atin ng social media ay isang ka-plastikan.Sapagkat sa loob ng social media ay para din tayong mga bilanggo.. Mga bilanggong kahit saan magtago ay walang kawala…
RESOURCES:
Bordoni,Carlo. (2013, May 5). Liquid Surveillance – When Panopticon Is In The Web.Retrieved December 25, 2013
from http://www.social-europe.eu/2013/06/liquid-surveillance-when-panopticon-is-in-the-web/
CBS News. December 23, 2013. Snowden will help Germany investigate NSA spying if granted asylum.Retrieved December 27,2013
from http://rt.com/news/snowden-germany-investigation-asylum-652/
Ross, Joshua-Michéle.(2009,May 20). The Digital Panopticon. Retrieved December 25,2013
from http://radar.oreilly.com/2009/05/the-digital-panopticon.html
Panopticon. [Photograph] (2010). Retrieved December 25,2013
from http://learn.bowdoin.edu/courses/soc022-richard-joyce/2010/04/internet-surveillance-a-virtual-panopticon/