Martes, Disyembre 17, 2013

WALA KANG KAWALA

Isa, dalawa, tatlo, apat. May apat na sulok ang silid na ito. Bakal na rehas ang nagsisilbi nitong pintuan. Sa labas nito’y makikita ang mga lalaking may sukbit na baril. Ano ito?


Isang tipikal na uri ng bilangguan ang aking isinalarawan. Siguro’y natatawa ka. Kahit batang paslit ay kaya itong hulaan. Madalas natin itong makita sa mga drama sa telebisyon at pelikula. Maglakad ka lang sa may kanto ay makakatagpo ka nang bilangguan. Pero paano kung iba ang nakita mo?

Isang pabilog na uri na istraktura kung saan naglalagi ang mga bilanggo. Sa gitna ay masusumpungan mo ang isang tore kung saan nagbabantay ang mga gwardya na hindi nakikita ng mga nakakulong. Katulad ng larawan na ito:
The works of Jeremy Bentham vol. IV, 172-3


Kung ikaw ang bilanggo, siguradong nanginginig ka na sa takot at hindi na magtatangkang tumakas pa.

Ang istukturang ito ay halaw sa teorya ng pagmamatyag ni Jeremy Bentham na mas kilala bilang PANOPTICON. Ito ay literal na nangangahulugang “lahat ay nakikita”. Ang layunin nito ay regulahan nang mga bilanggo ang mismong aksyon at sarili dahil maalam sila na may nakatingin at nagbabantay sa kanila. Ang panoticon ay hindi naitayo, ngunit muling binuhay ni Michael Foucault ang ideyang ito. Hindi bilang aktwal na bilangguan kundi birtwal na panopticon.

Bahagi nang pang araw-araw nating pamumuhay ang social media. Isang itong epektibo at mabilis na paraan ng pakikipagtalastasan. Dito rin tayo nagpapahayag ng ating damdamin at saloobin. Kung iisipin, ito na ang pinakamalayang lugar. Madali mong napapahayag ang iyong sarili sa maraming tao sa pamamagitan ng isang click sa kompyuter.

Ngunit ayon kay Michael Foucalt, ang Social media ay ang birtwal na panopticon. Tulad nang istrukturang bilog na binuo ni James Bentham, sa social media ay nakikita natin ang lahat ng bagay na narito. At lahat ng impormasyon na ating inilalagay dito ay nalalaman ng mga nagkokontrol dito. Hindi natin sila nakikita at hindi natin alam kung ano ang ginagawa nila impormasyong ito. Binibigyan nila tayo ng impresyong tayo ay malaya ngunit isa lamang itong bitag upang isiwalat natin ang mga personal na bagay hinggil sa atin.

Isang maganda ngunit nakakatakot na teorya ang Panopticon sapagkat para sa akin, halaw ito sa katangian ng Diyos. Hindi nakikita ngunit alam ang lahat ng bagay sa paligid. Ngunit, kung totoo man ang birtwal na panopticon para rin itong demonyo dahil hindi natin alam kung ano ang gagawin nito sa mga impormasyong ating ipinaskil.

Resources:
The works of Jeremy Bentham vol. VI, 172-3 http://philosophyforchange.wordpress.com/2012/06/21/foucault-and-social-media-life-in-a-virtual-panopticon/ The Social Media Panopticon By Ric Dragon

16 (na) komento:

  1. Galing ah. Change font style nalang. Hehehe. :)

    TumugonBurahin
  2. Maganda na sana eh, kaso ang hirap basahin. Nangyayari naman talaga iyan sa panahon ngayon lalo na dahil sa advent of technology, grabe ang naaabot ng Internet, kaya nga kamakailan lang naisyu ang NSA sa pag-eespiya sa mga phones [whistleblower Edward Snowden]. Iba na talaga kapag gusto mo kontrolin lahat.

    TumugonBurahin
  3. Maganda 'yung napili mong teorya. Ngayon ko lang siya lubusang naintindihan kahit na pina-assignment na siya satin dati. :D

    Tamang pagsasalin ng salita ya ng isang click - isang pindot. :D

    Tapos yung font huwag masaydong maliit, para di nakakahilo basahin, maganda pa naman ang nilalaman ng teksto :)

    TumugonBurahin
  4. ayusin po ang font color medyo malabo.. nakakadistrak... ang haba friend.. lastly,,, ahmm,... ang haaaaaaabaaaa!!

    TumugonBurahin
  5. napansin ko na medyo mahirap basahin ung font style tapos may mga times na nagbe-blend ang mga ito sa background. lagyan ng source yung picture sa tabi nito. konting linis na lang astig na ito :)

    TumugonBurahin
  6. Hindi mo pa din pinapalitan yung fornt. Ang hirap basahin. Ayos naman siya. Fornt lang talaga ang problema mo.

    TumugonBurahin
  7. Ang galing! Gusto ko yung theory mo at tsaka okay naman yung pagka-explain mo. Sadyang napakahirap lang talaga basahin ng font! :D

    TumugonBurahin
  8. Mahirap basahin dahil sa font style. May mga maling spelling, mali ang paggamit ng salitang "nang", proper citation.

    TumugonBurahin
  9. *Good point na nai-relate ang panopticon sa social media. :)
    *Informative. Ngayon ko lang naintindihan yung panopticon.

    *Subalit hindi mo gaanong nabigyang diin kung ano talaga ang iyong tindig sa teoryang ito. Ano nga ba?

    *Proper citations nalang incuding yung picture, (link, date retrieved)

    *at kagaya ng sabi nila, FONT. Paki-ayos.

    Salamat diana!

    xx

    TumugonBurahin
  10. Maria! Di ko pa nababasa, 'yung font kasi. Dinadapuan ako ng katarata. Palitan mo 'yung font. Pretty please? :( Love you*

    TumugonBurahin
  11. Diane! Pasensya na ngayon lang ako nakapag comment. Yung font paki palitan. Haha. Tapos medyo dagdagan mo pa yung introduksyon mo. Haha.

    TumugonBurahin
  12. I guess ok na po siya pero pwede pa namang ayusin. Magaling ang pagkakagawa. Hindi mahirap intindihin. Pwede pa pong i-elaborate yung stand mo.

    TumugonBurahin
  13. 1
    Nahilo ako sa font. Pakiayos.

    2
    Maayos mong naipaliwanag kung ano ang konsepto ng Panopticon,
    'yun nga lang nakukulangan ako doon sa mismong kritik mo dahil
    parang isang talata lang ito. Mas gusto kong mabasa kung ano
    ang tindig mo doon sa teorya.

    3
    Sana mas maipaliwanag mo siya ng mas magaan. :)

    TumugonBurahin
  14. Yung font mo pakibago :) Yung explanation mo about the theory malinaw. Good job. Naintindihan ko siya :) Nagustuhan ko rin ang iyong stand about the theory

    TumugonBurahin
  15. Salamat sa mga nag-comment, susundin ko ang mga payo niyo :D

    TumugonBurahin